"What this Country needs is not a change OF men but a change IN men" March 1980

Wednesday, March 11, 2009

Transcript of press conference Re: Bagumbayan Movement

I'm really considering running and maybe it's time to announce it in the sense that on the 27th of April we will have a big meeting of the Bagumbayan Movement at the Manila Hotel. The Bagumbayan Movement will be represented from all provinces of the country and we will meet there in the Manila Hotel because ang Manila Hotel nasa Bagumbayan. We will meet there on the day Lapu-Lapu repelled the colonial invader and we will meet in a place where Legaspi kicked Rajah Sulayman out and he created Bagumbayan, isang minimithing bayan na bago ang pag-uugali na may kakayahan, hindi natatakot sa malalaking tao, taglay ang tapang ni Lapu lapu at taglay ang talino at tapang ni Jose Rizal

(Will this be your political party?) Could be. If they will have to make a decision on who they want to become the President.

(Possible announcement of your candidacy?) I do not know. Because I don't believe na, ang nangyayari sa atin ngayon ay marami ng kumakampanya even if the law does not permit it. The spirit of the law says you cannot campaign long before. Ang lumalabas ang pinapairal dito ay ang patapangan ng apog. I stand against the coarsening of the culture of our country. Masyado ng matapang ang apog ng lahat. Nakikita natin ang corruption lumaganap na sa atin, sa SEC tinatamaan ngayon, tinatamaan lahat ang ating departamento, lahat ng bidding ng gobyerno naku-question.

So it's time we change the paradigm. It's time na magkaroon tayo ng Bagumbayan. Matagal ko na rin minimithi yan. Sa Bagumbayan lahat ng mga nag-aambisyon na magkaroon ng pagbabago sa ating bansa sa pamamagitan ng isang rebolusyon nung panahon ng Kastila dyan pinaslang lahat sila, Gomez, Burgos Zamora, Jose Rizal, dyan sila pinaslang. Hindi nila nakita ang Bagumbayan. Baka sakali ngayon sinasabi natin na tayo ay malaya baka magkaroon tayo ng movement na magbabagong isip, bagong ugali at bagong tapang ang ating bansa para mabago natin ang ating bansa.

When you run for the presidency you're asking for the trust of the entire country not only on your skill, not only on your experience, not only your integrity, but in your ability to motivate your people to take them into the promised land if you will, to take them into an era na bago na ang sitwasyon, na hindi porke mayaman ka ikaw lang ang talagang mamamayagpag, na kung ikaw ay mahirap wala kang pag-asa. Dapat kailangan ang presidente babaguhin ang paradigm ng ating bansa upang sa ganun pag naging presidente sya pantay-pantay ang lahat. Kahit na ikaw malaki pwede ka ikulong, kahit na ikaw ay sino walang sisinuhin. Dapat ang edukasyon maatim ng lahat ng Pilipino para parehas ang tao, para there will be choice in our country.

Ayokong ikinakahon ang pag-iisip ng tao na porke ikaw ay mayaman panalo ka, o porke ikaw in-anoint ka ng presidente talo ka. Dapat may sarili tayong pag-iisip, yung boto natin pagpasok natin sa botohan atin yun, tayo ang magdedesiyon, mahalin natin ang boto na yan kahit pa sabihing matatalo yung kandidato mo, kung naniniwala ka doon sa kandidato mo, iboto mo yun.

1 Comments:

Blogger goumburza said...

owwwssss.... leave your post as chairman,board of governors of the red cross

9:27 PM

 

Post a Comment

<< Home