Transcript of interview on Poll Automation and Cotabato bombing
ON POLL AUTOMATION
Q: Will you investigate on the extent of the role of the Aboitiz on the poll automation?
Sen. Gordon: Ito essentially, ayokong sabihin ng tao na just because nag-ayos eh pinabayaan na naming. Lahat yan dapat ma-scrutinize ng publiko kung ano ang nangyari at dapat malaman natin kung ano ang dapat nating iwasan kung saka-sakaling mangyari yan at ano ang plano ng Comelec kung ano gagawin nila.
Yung aboitiz naman yun naman eh ang layo nun eh. Yun ay taga-deliver lang ng mga equipment ng Comelec at yun naman ang hanapbuhay talaga ng aboitiz, bukod sa kuryente, bukod sa ibang negosyo nila sa barko, yan ay talagang ginagawa nila. Kung pupunta kayo sa airport makikita nyo matagal na nilang hanapbuhay yan.
Q: They cannot tamper the machines in transit?
Sen. Gordon: No. I don't think so. Mahirap yan, 82,000 yang makina na yan, mahihirapan naman sigurong i-tamper yan. Pwede naman bantayan yan eh. Ang ini-ingatan ko ay yung sinasabing memory card na binago nila na pwedeng magdala ng memory card na 82,000 tapos yun ay pwedeng tanggalin at ikarga sa bulsa, delikado yan. Dapat alam natin kung ano gagawin doon sa memory card na yan.
Q: Merong umiikot na text na kayo daw ang protector ng Smartmatic and TIM.
Sen. Gordon: That's ridiculous. Naririnig nyo naman ako ang sinasabi ko noon pa gusto ko lahat ng mga may experience, gusto ko nga dalawa sa Luzon, isa sa Visayas, isa sa Mindanao, iba't ibang mga kumpanya para talagang nakakasiguro tayo lalo. Pero siguro may mga talagang nagpapakalat nyan. Okay lang sa akin yun, di naman totoo yun eh.
Q: Sir pero totoo na kayo talaga ang nag-mediate kaya sila nag-reconcile?
Sen. Gordon: Nagpunta sa akin si Atty. De Borja na kasama ko noong araw pa sa Accra, at tinanong ko kung ano ba ang nangyayari. Syempre may karapatan naman ako, mamamayan naman ako at ako ang gumawa ng batas na ito. Ano ba ang problema ninyo bakit hindi matutuloy yan? Ayoko naman yung sinabi ng Comelec na slim chance na. I think that's wrong. Ang batas ay malinaw, kailangan mag-automate tayo. Ang sinabi ko sa kanila ayusin nyo yan. Ang takot nila, ang liability daw nila ay joint and several. Samakatuwid, yung maliit na kumpanya nila dito sa Pilipinas pag pumalpak yan yun ang kukunin sapagkat napakalaki ng kumpanya sa kabila. So sabi ko lagyan natin ng guarantee na yung foreign corporation na meron silang pwedeng mag-escrow, pwede sila maglagay dyan na gagarantiyahan nila na pag pumalpak sila ang talagang tatamaan at hindi yung maliit na kumpanya.
Q: Sir sabi even if they have reconciled, it doesn't necessarily mean na talagang ayos na lahat, may mga questions pa rin.
Sen. Gordon: Tama yun. But I can also say that about anything. Kahit na bumili ka ng kotse masisira pa rin yan. Pero sa akin, ang pakay natin ay linisin ang ating halalan once and for all at ngayon tayo susubok pang-nasyonal kaya dapat gawin na natin yan dahil pag di natin gagawin yan ang mananalo dyan ay yung mga (nandaraya) sa manual voting. Talagang binabalasubas talaga yung ating demokrasya.
Q: We received a text message saying: Watch for Gordon and Enrile, they are expected to defend to death Smartmatic and TIM
Sen. Gordon: Thank you very much po. Manood po kayo para gumanda ho ang rating ko wala ho akong pang-advertise sa TV eh. Nagpapasalamat po ako dyan sapagkat binibigyan nila ako ng publicity in advance, kami ni Sen. Enrile.
Q: You were paid millions to do that daw?
Sen. Gordon: Ay salamat po. Buksan po ninyo yung bank account ko para makita ninyo.
Q: Kanino kaya galing yung balitang yun?
Sen. Gordon: Siguro yung mga natalo. Di ko naman alam kung sino yung mga yan. Baka yung mga nasasaktan doon sa sinasabi ko na wag natin gamitin masyado yung pera natin sa pag-a-advertise, violation ng batas yan at makipag-debate tayo. Nakita naman ninyo kanina yung isa sinabi na ayaw daw nya makipag-debate, gusto nya lang talaga yung sa maliliit na malalamig na lugar doon lamang siya.
Q: Sabi ni Cong. Locsin baka ma-unsiyami yung poll automation?
Sen. Gordon: Hindi naman siguro, I'll make sure of that. Pinaghirapan ko ito. Alam niyo lahat kung gaano ako dumugo sa batas na ito sa kagustuhan ko na talagang wala ng duda ang ating halalan. Di ba maganda na magising tayo at bumoto tayo ng mabilis at by evening, alam na natin kung sino ang nanalo, wala nang makapagsasabing nadaya sila.
ON COTABATO BOMBING
Q: Sir may update on Cotabato bombing?
Sen. Gordon: Dapat imbestigahan na natin ito ngayon. Masyado ng maraming namamatay sa Mindanao, ang haba- haba na ng giyera jan. Hindi makapasok ang media, minsan yung mga taga-Red Cross hindi rin makapasok, pati yung mga taga-World Food Aid. Dapat alamin na natin kung ano talaga ang nangyayari jan. Bakit andami-daming sinasabi? Sinasabi ng MILF 500 ang namatay, sinasabi ng sundalo, 1000 namatay. Parang propaganda warfare na. Pero ang alam ko talaga, may giyera doon. At ano ba talaga ang pinag-gegyierahan doon, bakit nagkakaganyan? Dapat bumalik na tayo sa peace talks sapagkat kababayan din natin ang mga Muslims, dapat maisaayos na natin ang labanan na ito.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home