"What this Country needs is not a change OF men but a change IN men" March 1980

Tuesday, December 12, 2006

AMBUSH INTERVIEW ON CON CON SIMULTANEOUS WITH MAY 2007 ELECTIONS & SPECIAL BUDGET FOR BICOL

Q: Sir, comment sa new proposal to elect con-con delegates simultaneous sa May election?

SEN GORDON: I cannot understand why itong mga Congressman ay gustong-gustong mag con-ass o con-con kahit sinabi na ang timing ay hindi maganda sapagkat may atmosphere of doubt ang buong constituency natin. Ngayon kung ang gusto nila talaga ay ma-extend ang term ng mga Congressman, ako boboto ako doon pero harapin nila, sabihin nila at huwag sila magtago sa Constitution excise ng Con-Con o Con-Ass, sabihin nila sa tao na may merit na mag-extend ng term sapagkat talagang maikli ang term at nawawalan tayo tuloy ng experience, pwede natin i-argue yun pero huwag na ninyong gamitin yun con-con o con-ass para ma-extend ang term. Sa tingin ko kung yun lang ang gusto natin at may iba pa tayong ibang gusto ay sabihin natin sa tao direkta at huwag tayong magbalak-kayo.

Q: Pinag-uusapan ba among the senators yun possibility of passing a con-con resolution?

GORDON: From what I hear, ang gusto nila is after the election, this is from what I hear and don’t speak for the Senate. Ako mismo, I do not like the Con-Con, I have never proposed that we have a con-con because I have been to a con-con. Mahaba yan at magastos sa tao and people who run are those who either can not win because there is a powerful congressman in their district kaya kailangan ayusin natin na magkaroon tayo ng tunay na referendum sa tao. Tanungin natin sa kanila kung una gusto nila ang Constitution change? Pangalawa, kung gusto nila yun, ano ang gusto nilang bahagi—Constitutional assembly o constitutional convention.

Q: So, wala kayong naririnig na pwedeng bumuo nito sa moves ng House?

GORDON: So far wala akong naririnig na ganoon.

Q: Sir, bakit gusting-gusto nilang i-push ang chacha?

GORDON: Because I think they want to extend their terms, they want to go in the parliament. They really want to go into the parliamentary system because that will mean no term limits but you know we have been in the presidential system for so long as I can remember, fine tuning lang ang kailangan d’yan. Ayusin lang natin. Pero kung ipipilit natin yun no term limits at ipipilit natin na magkaroon tayo ng Con-Con lumalabas na talagang personal ang gusto nila at hindi talaga baguhin ang Constitution. Kung talagang tutuusin ang gusto ko talagang baguhin sa Constitution ay yun mga economic provision na makakabutin sa taong bayan, yung mga provision natin sa foreign policy na pwede tayong humingi na tulong na walang kailangan pang treaty from other countries. Yan mga iyan papayag ako pero sabi nga nila kahapon pwede na yung iba dyan legislation- simple legislation pwede na.

CREATION OF SPECIAL BUDGET FOR BICOL

GORDON: I would like to ask right away all public officials especially the Congress to think about creating a special budget--a reconstruction budget for Bicol and the Visayas particularly those that has been hit from Boracay to the very poor of Northern Samar, Northern Leyte and Masbate which already very poor. Sorsogon, Mindoro, Albay, Camarines Sur na talagang gibang-giba.

Dapat seguro ngayon pa lang pag-isipan na natin kung paano na natin maibabangon ang mga ‘yan sapagkat napakalaki ng mga nasira d’yan. Bukod sa maraming namatay, kailangan nating maibangon kaagad iyan at dapat magkaroon agad ng plano ang gobyerno nasyunal at ipakita kung saan dadalhin yung pera na pwede nating idagdag sa budget para sa ganoon ay maibangon natin itong mga taong nahihirapan ngayon d’yan.

Hahaba ang kahirapan d’yan. Ang koryente bagsak, ang hospital walang mga operating room, ang mga eskuwela walang mga bubong, ‘yung mga evacuatiuon center ay hindi nila magamit sapagkat kapag umuulan ay nababasa sila sa evacuation centers. Kaya kailangang madaliin natin kaagad ang pagbangon ng mga taong nasasaktan sa mga lugar na ‘yan.

Hindi natin pwedeng i-asa sa relief ang pag-abot o pang-patid uhaw o gutom ng mga taong naririyan, Ang kailangan nila ay maibangon ang kabuhayan nila dahil marami d’yan ay nasira na ang kabuhayan. Ang pinaka-kailangan dito ngayon ay magkaroon tayo ng supplemented support sa gobyerno. Magpautang tayo sa mga tao, sa mga pangangailangan nila sa livelihood upang maitayo nila ang kanilang mga bahay.

Para tinamaan ng atomic bomb ang mga lugar na iyan kaya kailangan maisa-ayos kaagad ang mga pangangailangan ng mga taong ‘yan.

Q: Sir what you are saying is that hindi lang pwede yun P10 bil0lion for example as supplemental budge? Yun disaster budget that they are now asking is to be a comprehensive parang Philippine assistance plan?

GORDON: That is correct. Parang marshal plan yan para magamit talaga natin ‘yan. Kaya nga maski kami sa Red Cross nakikita namin na ang talagang pangangailan ay bahay. Kailangan maibangon ang didnidag lalo na yung pinakamahirap sa mga lugar na iyan. Sa dami ng ginagawa ng gobyerno, tinatayo ayaw nating maging pala-asa Problema yung mga nahulog na kawad ng koryente, yun mga hospital na walang mga operating room katulad sa Catanduanes , yun mga paaralan na nagiba sa Albay.

Mayroon pang dalawang bagyong parating ngayon, papasukin pa sila uli n’yan kaya kailangan talagang may reconstruction plan at isama sa budget na ‘yan ang pagtututro sa mga tao on how we can learn from these disasters para maibawi natin sila at hindi na sila masasktan muli. Mai-locate sila sa mga lupang dapat puntahan para safe sila palagi para hindi na lalaki ang gastos. Even the design of school building na dapat kung malapit ka sa bulkan na may ash fall dapat matibay at may category yung itinatayong eskwela para hindi sira ng sira tuwing dadaanan tayo ng bagyo.

Q: Saan mga lugar sir?

GORDON: Bicol and the Visayas. Yun mga area na affected all the time by typhoons, b
Bicol, Eastern Visayas, Quezon, hanggang Isabela, Cagayan. Yun pacific side of the Philippines is always badly hit so kailangan all the designs, architecture of our roads, hospital must be gear toward the so-called plan and should incorporate study and the implementation of this program so that we stuck the cycle of poverty and disaster.

END