Transcript of interview on ANC re ICRC hostages
Pia Hontiveros: On the repositioning of troops in exchange for one hostage..
Sen. Gordon: Kagabi ko pa nakausap ang mga yan. Last week pa yan na ang pinag-uusapan namin. Finally pumayag sila kagabi dahilan sa ang talagang gusto natin makuha na kahit na isang kasama namin. Unfortunately, hindi ko maintindihan merong mga tao na tila nasasaktan dahil hindi matuloy-tuloy yung giyera na gusto nila. Hindi natin makukuha ito sa giyera o sa barilan. Namatayan na tayo ng tatlong Marines, at mga 19 na sundalo na sugatan, eh dapat dahan dahan tayo. Ang hiningi sa akin i-pull out muna yung mga sundalo at nilinaw ko ito kay Gen. Yano, kay Sec. Teodoro at kay Sec. Puno because we want to be at the same page hindi katulad nung nangyari last week dapat aakyat na si Nur Misuari, nag-usap na kami ni Sec. Puno eh biglang nagputukan at namatayan pa tayo ng tatlong Marines. We have to really fix this problem.
Pia: Are you saying na may gusto ng giyera?
Gordon: Well, I'm saying that there is a problem within the hierarchy of the military. They have to control some of their people. It is important na dapat ayusin natin ito because we're very close. Katulad ngayon nakausap ko yung mga kasama naming tatlo, hirap na hirap sila, I feel their anguish but their pride is still there. I just feel for the Marines na mga namatay and I can tell you na ito ay namatay dahil nga inumpisahan yung giyera na hindi dapat umpisahan. Ang kailangan natin ngayon huwag natin payagan na makapasok ang mga ganyan at ang kailangan natin mailabas natin kaagad yung mga tao para sa ganun matapos ito. And then let's give the investments that are necessary to fix up our country especially in Sulu, in Basilan, and all these areas.
Pia: Are you saying that there are some in the AFP chain of command who want war and therefore are jeopardizing the negotiations for the release of the hostages?
Gordon: Yes, but at the proper time I will do so, I will report but at the proper time, not now. Because right now we are negotiating and I want some explanations because it is very patent and I have enough evidence. Marami akong ebidensya na magpapatunay na may mga attempts na talagang hindi matuloy itong ginagawa. Kung gusto nilang yan ang gawin, wag nila akong isama dito sapagkat ako hindi ako ang in-charge dito. Ang problema ko ako ang tinatawagan, ako rin ang nakakatawag sa kanila, wag silang sumama ang loob doon. Kailangan natin makuha ito na walang mamamatay pang additional na tao. Yan ang sinasabi ko na dapat lahat kami must be on the same page. Kaya nga ako na ang nagkusang loob na tawagin lahat yung apat para sa ganun alam ng kaliwang kamay yung ginagawa ng kanang kamay para maiayos natin ang tatrabahuhin natin.
Pia: Are you referring to Gen. Yano or Gen. Allaga?
Gordon: No. Gen. Yano knows what the problem is. I already told him, I discussed it with him and he should do something about it. Sec. Teodoro knows what the problem is. I'm glad that Gen. Yano finally bought Gen. Allaga from Zamboanga to go there to make sure na stay put ang mga sundalo doon kasi mawawalan kami ng negotiating strength dito sa mga kausap natin. Dahil ang kapalit niyan yung talagang makikita nila nagwi-withdraw yung mga sundalo at para bigyan tayo ng isang kapalit. At kanina habang ginagawa yan nagtataka ako biglang humingi na yung civilian volunteers alisin. Yun pala marami ng naka-withdraw na mga military na hindi namin nalaman na nag-withdraw, hindi sa amin sinasabi. Maganda naman ang usapan pa rin namin nitong kausap namin at kaharap naman ang mga representante ng militar at ng pulis. Yun nga lang sila rin naiibahan sa mga pangyayaring ganito. Sa katunayan ang nagsabi sakin nito yung army representative na kasama ko.
Tony Velasquez: It is pretty clear na kayo yung tinatawagan kahit hindi naman kayo yung head ng crisis management team, but you are in fact being contacted by the Abu Sayyaf directly. Ano ba ang papel pa ng ibang members ng team, like Gov. Sakur Tan, isn't he supposed to be the head of the team?
Gordon: I am the chairman of the volunteer organization that does not belong to the government, the Philippine National Red Cross.. I am also a member of the governing board of the International Red Cross.
Yun nga ang hindi ko maintindihan, somebody has to be accountable. I'm willing to be accountable for this if that's what they ask for. Pero gusto ko rin malaman ng tao na may mga tao dyan na talagang ayaw mag-succeed ito sapagkat naiinis sila dahil hindi nila makuha yung gusto nilang ipilit. Eh hindi pwede yan sapagkat ang buong bansa natin ang nakataya dito. These are International Red Cross people, one Filipino, one Swiss, one Italian, dalawang buwan na. At eto pa ang sasabihin ko, dapat ang foreign affairs minister natin pumupunta sa ambassador at tinatawag nila kung ano ang nangyayari. Inaangal sa akin ng mga taong yan na hindi nila namamalayan nagpuputukan na lang bigla tapos tatakbo sa ICRC, sasabihin naman sa akin ng ICRC. Talagang nahihirapan kami. Ito itutuloy natin hanggat gusto nila, kung ayaw nila edi sila ang mag-negotiate.
Tony: Yung away seems to be within the negotiating team and not just with the military?
Gordon: There's no negotiating team. I'm not negotiating, I'm talking. Wala akong away. But some people na nung nabago ang sitwasyon, hindi na war ang situation, ang ginagawa inuunahan. Si Gen. Saban yan dapat imbestigahan na ngayon yan. Ang sinasabi congratulations daw na he ordered a preliminary pullout without telling Gen. Yano and he's blaming Sec. Puno and me. Hindi ko na sana papatulan yan pero delikado itong ginagawa natin, buhay ang nakataya. Eh katulad ngayon nag-uusap kami aatras na dapat yung military, sabi ko pag umatras na tayo, yung sundalo palabas, papasok naman yung tinatawag na kapalit. Eh ang nangyari yun pala wala na yung karamihan ng sundalo doon.
Tinawagan ko kaagad ang Abu Sayyaf, dahil pag lumabas at nalaman nila baka hindi na nila ibigay yung taong ibibigay nila. Eto ang nakalagay sa text: "All your people will return to barracks effective tomorrow upon the insistence of Sen. Gordon, Sec. Puno, Misuari and the PNP for them to conduct negotiations. We welcome their peaceful solutions." Parang akala mo, ang lumalabas dito para kaming nakikialam eh wala naman kaming sinasabing umatras ang AFP. Ngayon na lang sinabi yan nung mag-usap kami ng mga ito at pinapaatras. I have never recommended any pullout until Sec. Puno asked me sige pangatawanan mo na Sen. Gordon. Una si Chairman Misuari nung nagkaputukan binalik ulit sa akin at yun ang nangyari at biglang lumabas ang text message na yan.
Tony: Hindi po kaya parang, katulad po naming sa media kung minsan ay nagkakaroon lang ng miscommunication although kina-clarify kung minsan ng ibang tao na ganito ang pangyayari, hindi po kaya nagkaroon ng miscommunication sa part ni Gen. Saban at ang interpretation niya ay katulad mo kanina na parang lumalabas sa reports na mayroon na pong deals, kinorek ninyo na wala pang deal so ngayon si Gen. Saban baka ganoon din po ang pagkaka-interpret niya sa meeting ninyo kagabi sa Camp Crame?
Gordon: I don't want to talk about this.. We are in the middle of the negotiation kaya nga sinasabi ko lang na tinawagan ko si Gen. Yano because of this. I complained about this last night, Sec. Puno complained about this last night and they have to fix this problem.
Tony: How?
Gordon: I don't want ... Nagkakagulo tayo dito ngayon pero yan ang totoo. We have to fix this problem before we move ... I think we can get this purpose already nag-uusap na kami biglang hiningi ngayon yun civilian volunteer dahil wala na yun sundalo. So ang problema natin ngayon ay maayos yan kaagad. Kaya nga ang nilagay ay si Allaga para hindi na magti-text si Gen. Saban.
Tony: So you see the need to confirm ... directing Gen. Saban on what the situation is?
Gordon: I call him and he doesn't call me. He called me last night once eh I was in the middle of talk pagbalik ko wala na tini-text na niya yun staff ko ... professional tayong pare-pareho. Sinasabi ko lang the national interest with faith ay mailabas natin itong mga tao natin properly.
Tony: Definitely. Sir just before we go, you are offering already to read one more text message, are you still willing to read that message?
Gordon: No, not now. I think what is more important here is ... I want to be very frank, we will continue with this effort. I just want the secretary of defense, I want the chief of staff to bring in anybody, any officer to think otherwise, otherwise I will pull out. Bahala na kayo. But right now we are getting words of getting these persons na ibibigay sa atin. Pagkatapos ng usapan, Nur Misuari will come in at makipag-uusap para sa dalawa. If they continue to do this, it is not productive so tapusin na lang natin ito at tatawagan ko nga si Al Bader sapagkat yan ang usapan namin ngayon. Nakapagtataka lang kung bakit nagkakaganyan.
Tony: Sir, very quickly. The offer to the Abu Sayyaf do you think has it already been received by the Abu Sayyaf?
Gordon: We talked to them today. Very, very difficult time because for the first time in a long time I was able to talk with our three associate from the Red Cross. I have the tape and if they will listen to the tape, you will be ... Mixed emotions. Maaawa ka. Mapapaiyak ka. Mabibighani ka sa katapangan ng mga taong ito. Sinabihan ko si Al Bader kako tratuhin ninyo nang maayos at wag kang pabago-bago ... nagtaka ako bakit biglang pumasok ang civilian volunteer eh mga taga-Sulu yun, mga Tausug yun. Aba'y ang sabi kaagad wala na yung mga sundalo dyan, naglipatan na . Nandoon na sila sa back to barracks, following the orders of Gen. Saban last night tapos ang nangyari and I want it to be very clear, I am taliking with Al Bader and all of the sudden I saw this text na medyo sarcastic upon the insistence of Sen. Gordon, Puno�we have never, for the record, I did not say anything, it is the military all the way pero nang makita ko yan ay dali-dali kong tinawagan si Al Bader para sabihin sa kanya na paaatrasin ko na yung mga sundalo, ibigay mo na sa akin yung isa. Pumayag. I have all the tapes, reams of tape na maririnig ninyo kung ano ang progress ng negotiation. Hindi ninyo maitatago.
Tony: You will allow us to air those tapes?
Gordon: In the proper time but I first want Gen. Yano and Sec. Teodoro to act on Mr. Saban. He should not intervene.
Tony: Sir isang mabilis na sagot na lang. According to the people you have spoken with wala na talaga yung military. Nag-pull back na sila?
Gordon: Nag-pull back na sila sa barracks, meron na lang kokonting natitira kasi ang usapan habang ipinapasok natin, habang lumalabas ang mga sundalo ipapasok natin unti-unti yung mga tao. In fact, nandito yung mga tauhan ng mga military at mga police. Ang probema compartmentalize ka na. Hindi kami nakapag-uusap doon sa kabila. We must put our trust on people who are reliably trying to do what is right, this is not the time to enhance our respective positions.
Tony: Sen. Gordon thank you very much we appreciate you taking the time to talk to us today.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home