"What this Country needs is not a change OF men but a change IN men" March 1980

Wednesday, July 15, 2009

Transcript of Interview on Amnesty for Abu Sayyaf

Q: Other senators ayaw yung amnesty

Sen. Gordon: I expect that because syempre kanya-kanyang ideya yan. Eto lang sasabihin ko sa inyo, gaano katagal na yang gulo dyan sa Sulu? Sa Sulu lang ha pwera yung ARMM. Panahon pa ni Kamlon at walang tigil ang bakbakan dyan, ang dami ng namatay, ang dami ng nalustay na pera, ang dami ng nasunog na bahay, hindi matapos-tapos.

Ang sinasabi ko hindi lang naman amnesty. Yung amnesty is not gonna finish it, ang kasama ng amnesty ay yung total socio-economic and political reform dun sa area, na hindi talaga pino-focus ng gobyerno, at paudlot-udlot yung pasok, hindi talaga tinutuloy, kaya makikita mo education is very bad there, mababa ang performance, ang poverty napakalawak. Talagang kung ikaw ang nakatira doon talagang mag-aarmas ka at gagawa ka ng di mabuti.

Q: Wala naman daw ideological moorings ang Abu Sayyaf

Sen. Gordon: Hindi naman kailangan ng ideological moorings dyan. Ang importante dyan, eto lang nakita natin may mapapatunayan tayo sapagkat nung kinuha nila itong mga ito sinabi nila na masyado ang paglalapastangan sa mga Muslim lalo na yung mga Tausug, yung kanilang mga karagatan pinapasok. Kung minsan dahil sila ay Moro, yung kulturang itinuro sa atin ng colonial forces na kalaban natin sila. Hindi natin kalaban yan. Ang dapat nating isipin ay talagang respetuhin natin, understand natin ang sitwasyon at i-accept natin na may problema. Imbes na gumastos tayo ng katakot-takot na pera sa bala at katakot-takot na ang namamatay, eh kung gamitin mo yung perang yan kunin mo lahat yung prutas pag panahon ng harvest dalhin mo agad sa Zamboanga yun, kikita ang mga tao, hindi na sila mag-aarmas. Kung ang mga tao doon ay nakakakuha ng mahuhusay na teacher at pinapaaral, then sasabihin ng mga tao doon, ngayon iniintindi na tayo at ngayon gaganda ang kabuhayan, titigil yan. Tignan nyo lahat yung mga lugar na mahihirap at may mga NPA o di kaya maraming giyerang nagaganap.

Q: Hindi ba parang kino-condone?

Sen. Gordon: No. Because ito hindi naman pinipilit eh. An amnesty for those who want to take it because it is a second chance. By the way, even Gen.. Sabban, at alam nyo nagbakbakan kami ni Sabban dyan, agrees and Sec. Ermita agrees na maraming mga tao dyan na tumanda na at gusto magbagong-buhay. Ano, tuwing hahabulin mo 13 sundalo ang mamamatay? Tapos hindi nahuhuli. Tanungin ko nga doon sa mga senador na nagsasabi nyan, ano ang solusyon nila? Nagbombahan ilang beses sa Cotabato, nagbombahan sa Davao, nagbombahan dun sa iba't-ibang lugar, may nahuhuli ba? May namamatay, naghe-headline tayo pero nahihirapan ang hanapbuhay, nahihirapan ang negosyo. Imbes na ganun, i-amnesty mo pero merong kaakibat na tama at masusing pag-improve ng kabuhayan dun sa mga lugar ng Sulu, mga lugar na hirap sa Lanao, sa Cotabato, para mapawi na yung mga daing ng mga tao dyan.

Q: Dapat daw i-distinguish between those with ideology and those who are merely involved in banditry like the Abu Sayyaf

Sen. Gordon: Who are we to say that? Kung ikaw ba ay nandun, hindi ba ideology yun magpa-farm ka, gusto mo mag-farm pero wala kang pagbebentahan? Kung gusto mong magpagamot walang doktor. Kung gusto mong mag-aral ang anak mo ng mahusay yung teacher hindi certified sa civil service at di sumusweldo. Who's to say that that's not political? Subukan ninyong tumira doon, ako nakapunta na doon eh. Nakikita ko yung mga tao doon. Intindihin natin na malayo tayo.

Sabihin natin may ARMM na sila hayaan mo na. Eh hindi nga makapasok ang COA eh. Hindi nga makapasok ang husgado eh. Paano ka magkakaroon ng katarungan kung ang mga husgado doon natatakot magbigay ng katarungan? Bantayan mo ng sundalo. Kung ikaw namatayan, gusto mo bumawi? O gusto mo may kinahinatnan yung ikinamatay ng tatay mong sundalo, na nagkaroon ngayon ng pag-asa ang tao na pinaglalaban nya na magkaroon ng law and order.

Ang sinasabi ko maglagay tayo ng amnesty pero let's put our money where our mouth is. Palagay ko titigil yan pag nangyari yan kung talagang masusi at long-range ang programa.

Q: Ano kaya ang chance na pumasa ang amnesty sa Congress?

Sen. Gordon: Maybe there's no chance but I'm going to try and say it. That is my right, in the same manner that it's the right of every senator to say I'm against it. But don't say no right away. Pag-aralan muna natin.

2 Comments:

Blogger Unknown said...

...my point nga naman c sen. gordon..but tanong ko lang..if ibigay natin yung amnesty with all the socio-economic and political support to them..are we sure na titigil na sila for doing such crime?kasi there is possibility din na di nila yun itigil,,are we sure b tlaga na titino na sila?

5:42 AM

 
Blogger Unknown said...

versace handbags
florsheim shoes
nike zoom
discount oakley sunglasses
tiffany and co jewelry
michael kors outlet online
cheap air jordans
cheap nike shoes
fitflops sale
adidas nmd r1
clb20180630

11:46 PM

 

Post a Comment

<< Home