"What this Country needs is not a change OF men but a change IN men" March 1980

Saturday, August 29, 2009

TRANSCRIPT OF PRESS CONFERENCE ON NBN-ZTE 8/28/2009

Q: There are recommendations na ipatawag si Ombudsman Gutierrez to explain the decision.

Sen. Gordon: I don't see why I should call her for this particular issue. I may call her for other reasons like Joc-Joc Bolante. But for this issue iko-concentrate ko muna lahat doon sa kaso ng ZTE dahil unang-una balita ko nag-waive siya dyan, hindi naman siya nakialam dyan. Kaya I would not call her muna. But I do know this, na nung sinasabi natin na magkakaroon ng hearing at malapit na ilabas yung report, sinabi ko kay Nene na ipapakita ko ang report at kung ipapakita ko payag ka ba na piso na lang ang budget ng Ombudsman, mukhang napilitan lumabas. Pero palagay ko kulang na kulang yung decision. Of course, we're not bound by their decision because we are a legislative agency, we do this in aid of legislation, but of course we will also recommend based on our findings, ipapadala naming sa Ombudsman, DOJ, maybe even to the Office of the President kung ano yung mga dapat panagutan, kung sino ang dapat nilang ihanda na kaso doon sa mga taong dapat kasuhan.

Q: Ano pa ang silbi ng ilalabas na report?

Sen. Gordon: Malaki dahil magkakaalaman dyan dun sa procurement, sinasabi nila exception yun sa executive agreement. Meron kaming nakita doon na mali. Pagdating ng imbestigasyon makikita nyo doon na hindi kasama talaga itong broadband doon sa pinag-usapan sa memorandum of understanding. Ang sinabi doon ay yung IT sa edukasyon pero hindi kasama ang broadband doon. Marami kaming nakita doon na kailangan magpaliwanag lahat ng mga kinauukulan sapagkat talagang may naglalaban-laban para makuha yung kontrata.

Q: Kasama ba si FG na dapat magpaliwanag?


Sen. Gordon: We will make the decision on Tuesday para makumpleto. We invited him subject to his availability. Lahat sila kung gusto nila pumunta at magdagdag o magpakita ng dokumento.

Q: Di ba dapat ang mangyari kayo ang magrekoemnda sa Ombudsman kung ano at sino ang kakasuhan, bakit inunahan ng Ombudsman?


Sen. Gordon: Hindi naman. Ang Ombudsman is an independent constitutional body yan. So dapat noong araw pa. Ang ipinagtataka ko bakit wala pa yung kay Joc-Joc. Parang napilitan lamang sila dito sapagkat lalabas na tayo ng investigation report sana, pinadagdagan ko lang ng isa dahil nakita namin ng staff ng blue ribbon, talagang marami kami nakitang gaps.

Q: Sa draft report sinu-sino yung ni-recommend nyo na file-an ng kaso ng Ombudsman?


Sen. Gordon: Yung sinabi ng Ombudsman yung dalawa yun at meron pang iba.

Q: The same cases din ba?

Sen. Gordon: Hindi ko pa nababasa yung sa Ombudsman pero syempre may pananagutan halos lahat sila sa iba't ibang mga batas, sa penal code, anti- graft, sa ethics, at sa behavior of public officials. At tandaan nyo ang committee naming ay malfeasance, ginawa ng hindi maayos; nonfeasance, hindi ginawa yung dapat gawin; at misfeasance, talagang sadyang mali yung pagkagawa.

Q: Sino ang may pagkukulang sa pagka-delay ng report? Yung former chairman o kayo? Kasi sinasabi ni Sen. Allan Cayetano na nung nagpalit ng leadership yung focus sa graft cases against the administration ay nalihis.


Sen. Gordon: The blue ribbon is not here to attack any particular individual. We are not designed to torpedo anybody. We were designed to look at malfeasance, misfeasance, nonfeasance, at mga katiwalian sa gobyerno. Mr.. Cayetano had 12 hearings. Ako, mahirap hawakan ang isang kaso pag hindi ikaw ang nag-chair ng hearing kaya kailangan pag-aralan ng maigi. Talagang inuulit naming yung report dahil sa tingin naming meron kaming nami-miss. Pag inilatag naming yan sa Martes makikita nyo yung chronology, makikita nyo yung mga pumasok na ebidensya, lahat ng documentary at testimonial evidence. Yung mga kulang yun ang itatanong natin. Halimbawa, ano ang pakialam ni Abalos dyan. May undue interest ng isang taong di dapat makialam. Meron din mga nag iinteres na hindi naman dapat, magkakamag-anak pa, iyan ang isisiwalat natin. Ano ang responsibildad ng mga kalihim, may pananagutan ba sila? O mismong mga tao ng pangulo may kani-kaniyang abogado within the departments na nagtutulak ng kontrata. Tandaan nyo ang kontratang ito ay kontrata sa isang neighbor na napakalakas ng kapangyarihan dito sa Asia. Sa tingin ko ang ating gobyerno gusto nilang magkaroon ng magandang relasyon sa China, at ganun din ang China.

Q: Sa kamag-anak, are you referring to the former speaker?


Sen. Gordon: Among others. Basta dito sa final hearing, clean-up time natin ito, ilalatag natin lahat. Ipapakita natin yung chronology, kung sino yung nagsama-sama doon sa bawat chapter. Makikita ng tao kung sino yung walang ibang interes kundi kumita.

Q: Hanggang secretary levels lang, hindi na aakyat?


Sen. Gordon: Sa totoo lang kapag umakyat ka meron pa rin liability kung tutuusin pero ang liability ay hindi masyadong suportado ng matibay na katibayan. Ako naman ay independiente, masasabi ko na kung may dapat panagutan ang pangulo sasabihin ko yun.

Q: Yung back off statement ni Joey de Venecia parang innuendo lang ba yun?


Sen. Gordon: Joey de Venecia isn't exactly a credible witness dahil siya ay participant dito. Pangit pa rin sa panlasa at pananaw ng mamayan na porke anak ka ng Speaker ay nakikialam ka at hindi ka dapat nagsasalita ng mga bagay na ganyan. Sabi ko nga, hindi nangangahulugan na dahil ikaw ay nagsusumbong dito ay wala kang pananagutan. Lahat, ultimo si Lozada dapat magpaliwanag pa rin. Nawala tayo sa eksena nung ang lumutang ay yung kidnapping. Ang pakay kay Lozada ay kung may nalalaman siyang katiwalian na naganap dito sa paksaing ito.

Q: Enough na ba yung isang hearing?


Sen. Gordon: I think so dahil nakahanda kami ngayon eh. Nakuha na namin lahat.

Q: Assurance na a-attend sila sa hearing?

Sen. Gordon: I don't care if they don't attend. We are ready. Kung sila ay may ipapaliwanag, panahon na para magpaliwanag, kung ayaw nila then based on the facts we can make a decision. Ako hindi natatakot sa executive privilege sapagkat kung hindi man namin sila kayang ipatawag kung meron kaming hawak na dokumento pwede kong gamitin yun.

Q: Si Sec. Neri nabanggit nya na nabanggit nya ito sa Pangulo. Hanggang doon na lang yun?


Sen. Gordon: Titignan natin yung extend ng pagbanggit kaya dapat talaga magpaliwanag.

Q: Can you compel Neri to attend?


Sen. Gordon: We can compel anybody and they can say executive privilege. Executive privilege is not exactly a defense. When you say that may tinatago ka.

Q: Sabi nya dadalhin na niya hanggang sa kamatayan yun.


Sen. Gordon: Then mamamatay siya na may conclusion ang ibang tao na maaaring mali o maaring tama. Kasalanan niya dahil hindi niya nilinaw.