Transcript of Interview on Blue Ribbon Hearing re Balikatan Housing
Q: Sir, no-show si VP De Castro.
Sen. Gordon: Well, I was going to take a very liberal attitude at that because after all he is the vice president. But I think Sen. Biazon has questions na gusto nyang ma-answer ng ating vice president. Yun ang mahirap kasi sabi ko, pag vice president ka at tumanggap ka ng posisyon, you are open to questions from the co-equal branch of government na Kongreso. At yan ang sitwasyon nya ngayon kaya pinatatawag namin siya.
Q: Ano ang reason nya?
Sen. Gordon: Ang rason nya hindi sya ang gumawa nun, inabot nya na lang yan. In the meantime, it's still an ongoing problem. Kaya nga pati yung kay Celso delos Angeles siya pa pala ang nag-package nito. So maraming agam-agam sila Sen. Biazon na dapat sagutin ng ating vice president.
Sabi ni Noli, it didn't happen during his watch, hindi sya ang humawak nyan noong araw. Pero you cannot say that eh. After a while you still have to answer because lumalakad yung interes at penalties eh.
Q: Ano ang responsibility ni Celso dito?
Sen. Gordon: The main question here is the nationality principle. I have my own observations about it pero dapat masagot nila yung 60/40 dahil lumalabas nga na may 5% yung IFC. Pero inaamin naman nila sa amin na nagkamali sila doon. We're waiting kung talagang pagkakamali lang yun sa pag-submit ng dokumento na naka-powerpoint. Kung minsan kasi yung nagsa-submit di naman alam yung sinasabi, mga technical terms yun eh. Kaya I'm adopting a very liberal position on that matter unless the other senators will want to pounce on that and really home in on the technicality.
Q: If the VP fails to attend in the next hearing?
Sen. Gordon: Well, he could be subpoenaed. But out of respect for him, pakiusapan na lang natin na dumating. Even in the US people can call high officials of the land.
Q: Sir how much ang involved dito? Billions?
Sen. Gordon: Quite frankly, the intention mahusay eh. Ang nangyari dito, in-assume ng Balikatan na may kasamang foreign element yung mga utang para mabayaran. Na wipe out yung part of the loans, pero ang problema nga gumaganda yung posisyon ng GSIS at SSS pero yung korporasyon naman na nagpasa ng utang sumasama at tila lalong nababaon sa utang. So yan ang isa sa mga tinitignan namin, kung kailangan pa yang National Home Mortgage na yan. Sapagkat ang totoo nyan hindi naman pang low cost housing yan eh, pang medium long term housing yan at yung mga umuutang dyan yung mga kaya ng magbayad pero ganunpaman hindi pa rin nagbabayad.
Ang hinahabol natin dito ay yung pera ng gobyerno, yan ang makikita nyo sa susunod, makikita nyo almost P70 billion yung hindi nababayarang utang sa mga pabahay. At maraming developer ang magpapautang tapos ipapasa sa mga housing agencies na yun ang sasalo ngayon, yung utang hindi mabayaran, gobyerno ang kakain ng utang na yan.
Dito, kinakain nung isang kumpanya, yun nga lang pag siningil nila ngayon medyo commercial na yung rates. Eh talaga namang commercial dapat dahil hindi naman pang low cost yung National Home Mortgage, secondary market lang sila. Magwo-worry ako kung ang pinautang talaga yung mga mahihirap na nasa 6%. Inaabot lang yung National Home Mortgage dahil ang pinakamababa nila ay 9%.
Q: Sir, na-mention nyo yung ads, you were asking the agencies about it.
Sen. Gordon: Yes, kasi may nag-demanda nga na tinatanong bakit yung mga ads very glaring nga. Kapag sa utang may ibang ginagamit, pero pag nagpapautang si Vice President ang ginagamit. We just want to come out kung ano ang mga ads na yan at kung magkano ang ginagastos talaga. Because ang lumalabas P400 million eh, advocacy na magpautang, at ang ginagamit na talent ay si Vice President.
Q: Sir sa tingin nyo nagagamit bay un for political purposes?
Sen. Gordon: That's what I want to find out.
Q: What's the next move of the Blue Ribbon ngayong wala si Celso delos Angeles?
Sen. Gordon: Well, we're not calling Celso delos Angeles, we're just looking at the arguments as to whether in fact a valid exercise. Kasi kung hindi 60/40 yan, kung ang pumasok dyan ay ginamit lang na dummy ang National Home Mortgage, ang epekto nito walang kontrata.
Q: Would you take his deposition?
Sen. Gordon: That's possible. We can do that.
Q: Hindi pa rin ba klaro kung bakit tumaas yung interest rates?
Sen. Gordon: Malinaw eh. Kasi ito naman ay hindi pang low cost eh. Talagang ang pinakamababang interes nila nine percent eh. Imbes na malugi ang gobyerno, libo-libo ang hindi nakakabayad, pinasa nila doon sa kakain ng utang at sila ang maniningil. So far, I think there's nothing wrong with that except the nationality principle that is being violated, in case it is being violated.
5 Comments:
Senator Gordon paki investigate non-payment ng overtime pay ng bahay financial services sa mga rank and file employees nila. Ang bahay financial ang servicing arm ng balikatan housing. Kahit kelan hindi sila nag bayad ng overtime pay. pakitanong sa sunod na hearing. SALAMAT
5:39 AM
takot kami umangal kasi sigurado papatanggal lang kami ni cadiz sa trabaho.hindi namin kaya mawalan ng trabaho
3:10 PM
Senator Gordon tsa po ako sa mawawalan ng bahay sa Sept 14 ,2009 na po ang hearing para mapaalis kami, ano po kaya ang gagawin ko?
7:47 PM
dear sen gordon hindi po dapat magkasamang imbestigahan si celso de los angeles at noli de castro.si noli nagrekominda kay celso sa nhmfc at nagbenta sa balikatan.hindi kaya pera ng legacy ang ginamit ng mga dummy ng balikatan.
2:17 AM
2015-12-18keyun
chanel bags
ugg boots sale
oakley sunglasses wholesale
ugg boots outlet
air max 90
nike running shoes for men
uggs boots for women
uggs on sale
ugg boots
hollister kids
ray-ban sunglasses
hollister jeans
air force 1 trainers
true religion jeans outlet
louis vuitton outlet
michaek kors outlet
cheap uggs sale
ugg boots outlet
jordan 11s
louis vuitton handbags
coach outlet
jordan 11 concord
instyler
gucci outlet
nike huarache white
ray ban outlet
coach outlet online
tory burch outlet
ugg outlet store
uggs for chea
cheap ray ban sunglasses
canada goose
oakley store
coach outlet online
michael kors outlet
abercrombie & fitch
coach outlet
toms outlet
ray bans
fitflop clearance
6:15 PM
Post a Comment
<< Home