Transcript of PPCRV-NAMFREL Plaza Miranda Presidential Forum (16 July 2009)
OPENING REMARKS:
Magandang gabi po sa inyong lahat. Alam ko nababasa kayo diyan. Pero nagpapasalamat po ako at nagpapakita kayo ng interest sa ating parating na exercise, lalo na yung automated elections. And it is my hope na hindi kayo magpapakabasa ng husto at lahat kayo ay makikinig sapagkat sa mgamalayang mga pahayag na ganito makukuha po natin kung ano ang mga issue at hindi po tayo boboto sa mga panga-pangako lamang o dun sa mga nagsasalita na hindi nila kayang tuparin. Kaya ngayong araw po na ito nagpapasalamat po ako sa inyo at sana magkaroon tayo ng magandang talakayan ngayong araw na ito. Thank you po.
ANSWERS TO QUESTIONS (60 seconds):
1. Ano po ang posisyon ninyo sa graft and corruption?
Alam po ninyo ang ating nawawala sa graft and corruption according to the World Bank ay $1.3 trillion sa loob ng limang taon. Samakatuwid ay napakalaking pera o salapi, P1.3 trillion pala. Yun po ang halaga ng budget natin sa buong taon. Limang taon po, P1.3 trillion ang nawawala sa atin. Kaya kailangan po masinop ang mamumuno upang mabawasan iyan at iyan ay kailangan ang tulong ng mamamayan. Una, ang pangulo ay dapat mamuno by example. Hindi po siya talaga dapat makikitang talagang nagpapabaya sa paghawak ng kanyang tungkulin. At sa kanyang gagawin, makikitang may approval. Hindi siya magastos. Hindi lang siya marunong humawak ng pera pero talagang iniipon niya ang pera sapagkat talagang kulang na kulang po ang pera sa ating bayan. Pangalawa, pag ang isang bansa po ay kilala sa graft and corruption, mahihirapan po ang tao sapagkat hindi po maghahanapbuhay ang mga investment. Hindi po mapapasok dito ang investment. At kung walang investment, wala pong makakapagtrabaho dito sa ating bayan sapagkat umiiwas. Noong tayo po ay nasa Subic, dahil walang smuggling, mas mabilis po ang takbo. Kailangan pagbutihan mo. Noong araw ang tao kailangan naka-Focus, mabilis, Friendly, Flexible at Forward-looking. Ang ibig sabihin niyan, tuloy-tuloy ang trabaho. Mabilis, hindi po nanghihingi ng kurakot kaya nagpapabagal. Friendly na madaling intidihin ng tao. At talagang Flexible in the sense na hindi papahirapan ang tao. At Forward-looking palagi ang mga policy para sa ikauunlad ng mga tao. Kaya ang dami pong pumasok sa Subic at ngayon sa Subic there are over 95,000 jobs. Kung ang isang gobyerno ay maayos ang pamunuan mas maraming investments at iyan po ang magdadala ng ibayong pagunlad sapagkat magkakaroon ng pagkakataon kung wala pong graft and corruption, ay talagang makakakuha po tayo ng pondo para sa ating mga paaralan, at ang mga bata magkakaroon ng mga titser na tama ang bayad. Kaya kailangan pag naupo ang isang pangulo, dapat may sarado o may closure ang tinatawag nating mga kapwa para talagang kulong ang dapat makulong at talagang walang lusot po pagdating ng araw. Maraming salamat po.
2. Ano po ang posisyon ninyo sa persons with disabilities?
Kailangan po palakasin natin ang bansa para makaka-afford tayo ng pagbibigay sa mga taong may kapansanan. Ngunit mas maganda po kung bigyan natin ng dignidad ang mga may kapansanan sa pamamagitan ng pagte-training sa kanila para kahit sa kabila ng kanilang kapansanan, makakapagtrabaho sila. Dapat po yung mgas batas na pinaiiral na dapat ang mga may kapansanan ay makapasok sa trabaho, ay pairalin. May batas na pong ganyan pero hindi po pinapairal at maraming dahilang binibigay. Kung gusto maraming paraan, kung ayaw maraming dahilan. Kaya dapat ang pangulo binabantayan ang mga yan para pairaling makapagtrabaho para may dignidad ang mga mamamayan nating may kapansanan. Pangalawa po, dapat yung mga may kapansanan kapag pumasok sila sa grocery meron silang mga dapat na diskwento. Pero ano po ang nangyayari? Ang dami-daming papeles na pinapagawa sa kanila ng gobyerno. Dapat alisin yung anim na listahan para makapasok sa grocery. Pag nakita na yung pangalan, nilalagay po kung anong bibilhin, anong klase. And dami pong hinihingi ng batas na iyan. Yung gumawa po ng rules and regulations, dapat isantabi iyan at kung tayo po ay makakapaggawa ng paraan para tanggalin lahat iyan para lalong madaling makaakuha ng biyaya ang may kapansanan sa ating bayan.
3. Ano ang magagawa ninyo sa mga pinapakitang hindi magandang halimbawa sa mga kabataan ng mga nasa katungkulan?
Kailangang ipakita na kapag may kasalanan ang tao, isasara yung kaso. Dapat pag may conviction dapat pairalin, walang exemption. Malaking tao, pinakamalaking tao, kapag kayo na-convict, walang pardon sapagkat lalong magbibigay ng hindi magandang halimbawa sa ating bayan. Kaya nga po bilang senador, sapagkat ako po ay talagang naninindigan, sa Blue Ribbon Committee tayo at nakikita ninyo na talagang hinahabol po natin at pinag-reresign po natin ang Ombudsman sapagkat hindi pa niya dinidemanda hanggang ngayon si Joc-joc Bolante samantalang ang Blue Ribbon Committee sinabi na sa kanya idemanda. Kaya hindi ko po ia-appoint, kung ako ang pangulo, ang kaklase ng aking asawa bilang Ombudsman sapagkat talo kaagad ako sapagkat pagbibintangan ako na hindi ko ginagawa ang tungkulin ko. Makakaasa po kayo sapagkat ako ay nag-mayor, naging chairman po ako ng Subic at lahat po niyan ginagawa ko po ang lahat ng tungkulin. Kahit na sino kapag nagkamali dapat may parusa. At iyan po ang dapat nating gawin dahil meron tayong interest na nasyonal o siguridad na dapat pangalagaan. Kaya makakaasa po kayo pantay-pantay tayo. Firm but fair leadership ni Dick Gordon, whether as Mayor, as Chairman ng Subic, as Tourism o saan mang lugar mapunta si Dick Gordon. Marami pong salamat.
4. Sinasabi pong kayo ang pinaka-kwalipikado mag-presidente pero hindi kayo mananalo dahil wala kayong pera, paano niyo po mababago ito?
Pag sinabi po ninyong walang pera ang isang kandidato, sinasabi niyo na pinagbebenta niyo ang inyong katauhan at inyong kinabukasan kaya hindi po tayo lumalabas, hindi po tayo ginawa na may salapi at talagang ginagamit ang lahat ng paraan para manalo. Pero sinasabi ko sa inyo, lahat ng imposible, dinaanan po natin. Pinaslang ang aking ama, sabi sa akin huwag na akong papasok, pumasok po ako para sa ganoon mahabol ko po yung pumaslang sa aking ama. Tayo po ay diniscourage sa Olongapo. Narinig po natin hindi raw pwedeng ayusin ang bayan, naayos po natin. Ang Subic, pagkatapos pumutok ng Pinatubo, hindi raw pwedeng gamitin ang volunteers, nagawa po natin. Yung Intramuros hindi raw pwedeng ayusin sapagkat marami raw mga informal settlers, yung automated elections, hindi daw natin magagawa, yung Red Cross hindi raw pwedeng tumulong. Kaya ngayon po, ang level ko po sa bloggers, maraming naniniwala dahil kaya ng Pilipino kahit ano, kung gusto kakayanin kung siya ay magmamalasakit at malakas ang kanyang loob. Thank you po.
5. Naniniwala ba kayo sa customized social protection program upang maisalba ang mga workers sa krisis ng ekonomiya? Ano po ang inyong programa tungkol dito?
Alam nyo, anuman ang makakatulong sa manggagawa syempre kung makakayanan ng ating bansa susuportahan natin yan. Pero ang manggagawa dapat isipin na talagang ang ating bayan ay palaging hinahaplit ng panahon. Pataas ng pataas ang halaga ng bilihin. Kaya kinakailangan productivity ang sagot. At kung aasa tayo sa gobyerno, maraming pangako ang gobyerno na hindi natutupad, ako po ay naniniwala na halimbawa kung ako ay nagtatrabaho hahanap ako ng gilas para mas maganda ang aking masusweldo, o di kaya naman yung aking asawa ay tuturuan ko rin maghanap-buhay. Yun ang talagang proteksyon ko at hindi ako pala-asa sa gobyerno. Pero ganunpaman, kung may mga social protection program na dapat ibigay katulad ng pagpapautang sa mga taong nangangailangan at mga skills na dapat ituro sa kanila, dapat suportahan. Dapat din hanapan natin ng paraan para magkaroon sila ng pagkakataon na yung pera nilang naiipon ay mailagay sa mas mahabang investment at para sa ganun yung perang nakukuha mas mahaba rin ang mabibili. Ang pinakamahalaga, walang tigil. Kailangan mas maraming tao ang nagtatrabaho sa isang pamilya para maka-abot sa pagtaas ng halaga ng bilihin at panay training para umangat, yan po ang kailangan ng ating bayan para maka-angat. Huwag ho tayong pala-asa sa gobyerno talagang magiging palasisi tayo pag umasa tayo sa gobyerno.
CLOSING REMARKS:
Labing siyam na taon na ang nakaraan nagkaroon po ng earthquake sa Central Luzon. At tayo po ay nandun nung nag-earthquake. Marami po ang nawalan ng pag-asa, nagiba yung kanilang mga tahanan hanggang Baguio hanggang Dagupan hanggang Cabanatuan . Tayo po ay nandoon ganitong oras at naglalabas ng mga bangkay at mga nabubuhay ng mga panahon na yun. Pero sabihin ko sa inyo, today nakabangon po ang Central Luzon. One year later, pinaalis ang base, pumutok ang Pinatubo, nilahar kami, nagiba ang mga bahay at nawalan ng maraming trabaho. Pero ngayon, ang Subic po, ang Clark nakabangon sa Central Luzon . Talagang pinagpilitan, pinagsikapan ng mga kababayan natin na makabangon. Ngayon po, sa gabing ito, gusto kong sabihin sa inyo na kung gusto natin maging isang marangyang bansa nasa sa atin po ang tunay na pagbabago, kailangan po sa pagpili ninyo, kahit na sino sa amin, piliin nyo yung inaakala nyo na may kakayahan, may experience, may integridad, para sa ganun maiahon. At ngayong gabi, ipagdasal po natin yung mga namatay doon sa Cabanatuan, doon sa Baguio, doon sa Dagupan nung July 16, 1990 at pati na rin po yung mga tao doon sa Mindanao. Thank you very much.
1 Comments:
2015-12-18keyun
chanel bags
ugg boots sale
oakley sunglasses wholesale
ugg boots outlet
air max 90
nike running shoes for men
uggs boots for women
uggs on sale
ugg boots
hollister kids
ray-ban sunglasses
hollister jeans
air force 1 trainers
true religion jeans outlet
louis vuitton outlet
michaek kors outlet
cheap uggs sale
ugg boots outlet
jordan 11s
louis vuitton handbags
coach outlet
jordan 11 concord
instyler
gucci outlet
nike huarache white
ray ban outlet
coach outlet online
tory burch outlet
ugg outlet store
uggs for chea
cheap ray ban sunglasses
canada goose
oakley store
coach outlet online
michael kors outlet
abercrombie & fitch
coach outlet
toms outlet
ray bans
fitflop clearance
6:15 PM
Post a Comment
<< Home